BATANGUENYO
Noong unang panahon may tatlong magkakaibigan na nagpunta sa kabundukan ng Mt. Makiling upang mag-hunting. Isang tiga-Maynila, isang tiga-Bikol at
isang tiga-Batangas.
Sa paghahanap nila ng mababaril na usa at baboy-damo napasuot sila sa
isang tribo ng mga katutubo. Sila ay hinuli at iniharap sa pinaka-hari ng
tribo. Hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng kanilang
ulo kung hindi masisiyahan sa kanilang mga sagot sa anumang itatanong ng
anak na prinsesa ng hari.
Unang tinanong ang Manila boy:
Princesa : "Anong tawag mo rito? sabay turo sa pisngi ng princesa.
Manila Boy : "Mahal na princesa ang tawag po namin diyan ay 'Pisngi'".
Hindi nasiyahan ang princesa kaya pinugutan ng ulo si Manila Boy.
Sumunod na tinanong ang Bikolano...
Princesa: "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito? sabay turo sa mukha.
Ilokano : "Mukha" po mahal na princesa ang tawag po namin diyan".
Hindi rin nasiyahan ang princesa. Pugot ulo rin si Bikolano.
Takot na takot na si Batanguenyo pero sumagot siya nang tanungin ng
princesa:
Princesa : "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito?"
Sagot : "Ang tawag po namin diyan sa Batangas mahal na Princesa ay
"dambana ng tuwa, galak at pag-galang".
Princesa : "ipaliwanag mo ang iyong kasagutan, ginoo".
Sagot : "Kasi sa amin po pag kami ay natuwa, nagalak o kaya ay gumalang,
kami po ay humahalik diyan".
Princesa: sabay turo sa dibdib/suso "anong tawag mo rito?"
Sagot : "Mahal na princesa, tawag po namin diyan ay "bukal ng buhay at
kalusugan, kasi diyan po umiinom ang mga bata upang mabuhay at maging
malusog".
Princesa: sabay turo sa bandang sikmura/tiyan, "anong tawag mo rito?"
Sagot : "bartolina po, kasi siyam na buwan nakukulong ang aming mga anak
diyan"
Princesa: anong tawag mo rito? sabay taas ng palda at itinuro ang ari na
walang suot na panty (hindi pa uso noon).
Sagot : sabay luhod at nag-antada ng kuros , mahal na princesa, tawag po
namin diyan ay "ALTAR NG DALANGINAN" kasi diyan po namin itinitirik ang
aming mga kandila!
Nasiyahan ng husto ang Princesa. Pinalaya si Mr. Batangas